Dagdag na trabaho para sa mga Pilipino, inaasahan ng House panel Chair

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni House Committee on Labor and Employment Chair Fidel Nograles ang naitalang pagtaas sa foreign direct investment na pumasok sa Pilipino nitong July 2024.

Ayon kay Nograles, inaasahan na magreresulta ang dagdag na pamumuhunan sa mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ang FDI net inflow nitong Hulyo ay tumaas ng 5.5 percent sa $820 million mula sa dating $778 million noong kaparehong buwan ng nakaraang taon.

Karamihan aniya ng investment na ito ay nasa manufacturing sector (71%), real estate (17%) at iba pang industriya (12%).

“The surge of FDIs in these sectors, particularly in manufacturing which is one of the most important drivers of economic transformation, will help us scale up our output and create higher-value products, meaning there will be more and better jobs for Filipinos,” sabi ni Nograles

Malaki naman ang pagkilala ng Rizal solon sa mga hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagkumbinsi sa mga banyaga para mamuhunan sa bansa.

“I am glad that other countries see the viability of business in the Philippines, and we must give credit to the national government led by President Ferdinand Marcos, Jr. for their efforts in convincing foreign partners to invest in nation,” sabi pa niya.

Umaasa naman si Nograles na patuloy na gagawa ng hakbang ang pamahalaan para maresolba ang ilan sa mga isyu na nakakapigil sa pagpasok ng mga mamumuhunan gaya ng buwis, mataas na singil sa kuryente at red tape. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us