Sinabi ni Quad Committee Chair at Surigao Del Sur Representative Robert Ace Barbers na naging insipirasyon ng mga biktima ng extra judicial killings (EJK) ang “Barayuga Murder Case” kaya sila lumalapit upang isiwalat ang kanilang naging karanasan sa “war on drugs.”
Sa 8th Joint Hearing ng House Quad Committee, dumalo ang mga biktima at pamilya ng mga namatay sa war on drugs.
Ayon kay Rep. Barbers, ang paglapit sa kanila ng mga pamilya ng biktima ay upang ipaalam sa mundo ang kasamaan na kanilang naranasan at hindi na ito maulit pang muli.
Diin pa ng mambabatas, sa pagdinig ng kanilang joint hearing, wala silang nais sirain bagkus upang mawakasan ang pag-aabuso sa kapangyarihan.
Binigyang-diin ng Joint Panel chair ang kahalagahan ng kanilang isinasagawang Congressional inquiry in aid of legislation upang gumawa ng desisyon o amyendahan ang batas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes