Muli na namang nagpapakawala ng tubig ang Magat at Binga Dam sa Luzon simula pa kaninang umaga.
Ngayong tanghali, nilakasan pa ang discharge ng tubig sa Magat Dam sa 411 Cubic Meters Per Second (CMS) mula sa 181 CMS lamang kaninang umaga.
Ayon sa ulat ng PAGASA Hydrometeorology Division, kasalukuyang nasa 190.37 meters ang water elevation ng Magat dam.
Samantala, bukas naman ang isang gate ng Binga Dam at nagpapakawala ng 38 cubic meters per second ng tubig.
Nagbabawas ng tubig ang dalawang dam dahil sa pag-ulan dulot ng Shearline na nakaapekto sa Extreme Northern Luzon.
Dahil dito, pinag-iingat ang mga residente malapit sa mga ilog sa maraming bayan sa Isabela, at Barangay Dalupirip at Tinongdan sa Itogon, Benguet sa posibleng pag taas ng tubig baha.| ulat ni Rey Ferrer