Nasa bansa ngayon ang dalawang (2) KC-130J Hercules Aircraft ng United States III Marine Expeditionary Force para magsagawa ng humanitarian operation sa mga sinalanta ng Super Typhoon #JulianPH sa Batanes.
Dumating kahapon ang dalawang aircraft sa Villamor Airbase mula sa Kadena Air Base sa Okinawa, Japan.
Ayon sa National Disasrer Risk Reduction and Management Center (NDRRMC), may dalang humanitarian assistance at disaster relief supplies ang dalawang aircraft na bahagi ng pangako ng US Government sa pamamagitan ng US Agency for International Development (USAID).
Ihahatid sa Laoag Airport ang mga dalang relief supply bago dalhin sa Batanes gamit ang US MV2 at CH5-1 Aircraft.
Nagpaabot naman ng pasalamat si National Defense Secretary Gilbert Teodoro sa tulong ng US Government.| ulat ni Rey Ferrer