Dalawang puganteng Koreano, arestado ng BI

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaresto ng mga agent ng Bureau of Immigration (BI) sa dalawang magkahiwalay na operasyon ang dalawang South Korean fugitives na sinasabing wanted sa kanilang bansa.

Noong Oktubre 12, hinuli ng BI si Choi Jonguk, 42-anyos, sa Barangay Tambo, Parañaque City. Si Choi ay wanted simula pa noong 2019 dahil sa pagpapatakbo ng isang illegal na gambling website na target ang mga Koreanong mananaya na labag sa National Sports Promotion Act ng South Korea.

Samantala, iniulat din ng BI ang pag-aresto kay Seo Jungchul noong Oktubre 7 sa Clark Freeport Zone sa Pampanga. Si Seo, 37-anyos, ay wanted sa pagkakasangkot sa illegal drugs trading kasabay ng isang Interpol red notice na nakalabas para rito. Siya ay may warrant of arrest mula sa Seoul Central District Court noong 2017 dahil sa paglabag sa narcotics control act ng Korea. 2019 ay may naka-issue na ring deportation order para kay Seo dahil sa pagiging undesirable alien.

Itinuturing ding undocumented aliens ang dalawang pugante matapos i-revoke ng Korean government ang kanilang mga pasaporte.

Kapwa nakakulong ngayon ang dalawa sa BI facility sa Taguig habang hinihintay ang kanilang deportation.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us