Nakatakda nang i-turn over ng Department of Agrarian Reform ang 7 katatapos lamang na farm-to-market road projects sa 8 liblib na barangay sa Oras, Eastern Samar.
Ang mga proyekto ay pinondohan ng P100-M sa ilalim ng Agrarian Reform Fund (ARF).
Na-inspeksyon na ng Project Management Service (PMS) ng DAR ang mga kalsada bilang paghahanda para sa turnover sa local government unit (LGU).
Ang mga proyekto ay magdudugtong mula Barangay San Eduardo hanggang Barangay Nadacpan, at tumutuloy sa mga Barangay Saurong, Agsam, Iwayan, Minap-os, Alang-Alang, at Cadi-an.
Mahigit 10,000 residente, ang makikinabang sa proyekto lalo na sa mas madaling pagpunta sa mga pamilihan at serbisyo. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DAR