Binigyang-halaga ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang data utilization and innovative tools sa pagbalangkas ng mga polisiya ng bansa.
Ginawa ng BSP ang pahayag sa closing ceremony ng 35th National Statistics Month (NSM).
Ayon sa BSP sa pamamagitan ng digital transformation layon nila na maihatid ang de kalidad na datos upang tumugon sa pangangailangan ng iba’t ibang stakeholders.
Sinabi ni BSP Deputy Governor Francisco Dakila Jr. na ito ay alinsunod sa layunin ng BSP na maging “digiAll.”
Ayon naman kay Philippine Statistics Authority (PSA) Undersecretary Claire Dennis Mapa, sa pamamagitan ng data-driven decisions, matutugunan ang iba’t ibang hamon at oportunidad ng bansa.
Sa naturang event, nagbahagi naman ang mga eksperto mula sa iba’t ibang larangan ng central banking tungkol sa international reserves ng bansa, mga salik na nakaapekto sa presyo ng real property, trend sa digital payments, at ang financial health index ng bansa. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes