Pormal nang itinalaga ni Philippine National Police (PNP) Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil si PMGen. Leo Francisco bilang pinuno ng Civil Security Group (CSG).
Ito’y matapos i-akyat naman ni Marbil si PMGen. Edgar Alan Okubo sa Command Group bilang Acting Chief of Directorial Staff (TCDS) o no. 4 man sa hanay ng Pambansang Pulisya.
Batay sa general orders na inilabas ng Office of the Chief PNP, epektibo ang bagong re-assignment sa dalawang opisyal ng pulisya bukas, October 9.
Unang inilagay ni Marbil si Francisco sa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) sa ilalim ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) matapos alisin sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Habang itinalaga naman si Okubo sa Command Group kapalit ni PLtG. Jon Arnaldo na nagretiro na sa serbisyo nito lamang October 3. | ulat ni Jaymark Dagala