Isa sa mga nais tutukan ni dating Mandaluyong Lone District Representative Queenie Gonzales ang panukalang batas para sa regulasyon ng artificial intelligence (AI) at pangangalaga sa mental health ng mga taga media.
Bilang isang dating reporter sabi ni Gonzales, sakaling makabalik sa Kongreso sa 2025 kailangan mapangalagaan ang mental health ng bawat media employee.
Sabi niya, ang mga mamamahayag kadalasan ay walang bakasyon at kahit may iniinda ay hindi maiwan ang trabaho.
“We should also have mental health seminars. Kasi naalala ko sa media, wala naman tayong buhay, wala tayong occasions. Wala tayong Christmas, pag pumutok yung bulkan, kapag gumera yung ganyan, yun ang pupunta tayo doon. So marami tayong namimiss out sa buhay. So I think yung minsan may mga mental health issues, siguro tayo na-hidden. But we have to go to our beat in the story and we forget about ourselves.” ani Gonzales
Pagdating naman aniya sa artificial intelligence, panahon na aniya itong i-regulate dahil sa maliban sa misinformation ay nagagamot din aniya ito sa character assassination.
“Yung AI is being used for fake news. In all aspects, no? Wrong information, character assassination, lahat ng mali. At nakakasama yun. Nakaka-deceive kasi…napapaniwala ng kung ano-ano pinapahayag ng maling information through AI. So we have to have regulation somehow.” sabi pa niya | ulat ni Kathleen Forbes