Kinumpirma ni dating Mayor Alice Guo na hindi na siya tatakbo bilang alkalde ng Bamban, Tarlac.
Sa pagdinig ng Senado ngayong araw, sinabi ni Guo na haharapin muna niya ang mga kasong kinakaharap niya at lilinisin muna niya ang kanyang pangalan.
Lumalabas din sa pagdinig na nagsisinungaling sina dating mayor alice guo at ng sinasabing kapatid niyang si shiela guo na sa karagatan sila dumaan nang lumabas at tumakas sila papalabas ng pilipinas noong hulyo
Sa pagdinig, sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Atty. Joel viado na bagama’t hindi pa kumpleto ang kanilang imbestigasyon, ang tiyak nila sa ngayon ay pumasok ng Kuala Lumpur, Malaysia sina Guo sa pamamagitan ng eroplano noong July 18, 2024.
Ayon kay Viado, ito ay ibinase nila sa beripikasyon ng entry stamp na nakatatak sa passport nina Guo.
Peke naman aniya ang entry stamp sa passport ni Guo na pumasok diumano ito sa Sabah noong July 19
Iminungkahi naman ni Senador Sherwin Gatchalian na hingin ng BI ang kopya ng CCTV sa Kuala Lumpur Airport para makumpirma ang impormasyong ito.
Sa kasalukuyan, nasa proseso na ang BI ng pagkuha ng flight manifests noong July 18 para matukoy kung anong partikular na eroplano ang sinakyan nina Guo at kung saang airport sa Pilipinas ito dumaan. | ulat ni Nimfa Asuncion