Hindi na iimbitahan ng Senate Blue Ribbon Subcommittee si dating pangulong rodrigo Duterte sa susunod na magiging pagdinig dito tungkol sa war in drugs.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, wala na siyang nakikitang pangangailangan na iimbitahan muli si Duterte.
Wala pa rin naman aniyang ibang mga senador ang humihiling na padaluhin muli ang dating pangulo.
Sa tanong naman kung papalinawin pa ba kay Duterte ang mga naging pahayag nito nito sa Senate hearing noong Lunes, sinabi ng minority leader na hayaan na lang manatili sa record ng Senado ang mga naging testimonya nito noong nakaraang pagdinig.
Bakit pa aniya ipapabawi ang inamin na.
Samantala, nanindigan naman ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dadalo pa rin siya sa magiging susunod na pagdinig ng Senado.
Giit ni Dela Rosa, bukod kay dating Pangulong Duterte, siya ang dapat na imbitahan sa Senate inquisition dahil siya ang nagpatupad ng war on drugs ng Duterte administration.
Sa ngayon ay wala pang petsa ang magiging susunod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee.| ulat ni Nimfa Asuncion