Dating Pangulong Duterte, ipapatawag sa ikakasang pagdinig ng Senado ukol sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Dhairperson Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maimbestigahan ng kanyang komite ang war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay may kaugnayan sa pahayag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na plano niyang maghain ng resolusyon para makapagkasa ng Senate inquiry tungkol sa isyu.

Pero habang hindi pa naihahain ang resolution ni Go, maaari naman aniyang motu propio na muna ang imbestigasyon ng kanyang komite at posible nang magsimula ang pagdinig ngayong naka-break ang sesyon ng Senado.

Sinabi ni dela Rosa, na sa ikakasa niyang pagdinig ay iimbitahan nila si dating Pangulong Duterte at iba pang maaaring resource person.

Tiwala ang mambabatas na malaki ang tiyansang dadalo sa senate hearing si Duterte lalo na kung sila ang mag iimbita. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us