Dating Sen. Manny Pacquiao, nagtatangkang makabalik ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinumite na ni dating Senator Manny Pacquiao ang kanyang Certificate of Candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) upang kumandidato sa pagka-senador.

Kasama ng kanyang asawa, isinumite ni Pacquiao ang COC ngayong araw.

Sa panayam sa dating boxing champ, ipinagtanggol niya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga pumupuna.

Sumama siya sa Alyansa para sa Bagong Pilipinas dahil sa gumagandang ekonomiya ng bansa, at pagdami ng trabaho para sa mga Pilipino.

Aminado si Pacquiao, napuna niya si Pangulong Marcos Jr. noong Presidential elections pero dahil sa nakita niya ang magandang sitwasyon ngayon ng Pilipinas ay dapat din daw purihin at samahan ito. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us