Nilinaw ni Finance Secretary Ralph Recto na ang posibleng adjustment sa growth targets ng bansa ay para sa susunod na taon 2025.
Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng naging statement ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na magko-convene ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) ngayong third quarter upang talakayin ang upward growth target sa off cycle DBCC meeting sa third quarter.
Sa isang panayam kay Recto, sinabi nito na sang-ayon siya kay Pangandaman na magkakaroon ng meeting pero ito ay isasagawa sa Disyembre para pag-usapan ang target na paglago para sa 2025.
Ang meeting aniya ay upang i-review ang macroeconomic assumptions at fiscal targets.
Sinabi rin ng kalihim, na nananatiling on track ang revenue target ng BIR at BOC hanggang matapos ang taon.
Dagdag pa ng kalihim, kailangan rin na tingnan ang mga development globally at upang paghandaan ang tension na nagaganap ngayon sa Middle East. | ulat ni Melany Valdoz Reyes