Nadagdagan pa ang bilang ng mga residente sa Quezon City na tinamaan ng dengue virus.
Batay sa tala ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit, nasa kabuuang 4,316 na ang dengue cases sa lungsod mula Enero hanggang nitong October 5.
Naitala sa District 2 ang pinakamataas na kaso ng dengue na umabot na sa 1,107 cases at District 3 naman ang pinakamababa na may 454 na kaso.
Sa report din ng QC CESU, QC Health Department, may 11 nang naiulat na dengue-related deaths mula District 1, 2, 4, 5, at 6.
Dahil dito, patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod sa mga residente na magtungo agad sa pinakamalapit na health center o ospital kung may makita o maramdamang sintomas ng dengue. | ulat ni Merry Ann Bastasa