Nakatakdang lumipad patungong Thailand si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa darating na biyernes October 18.
Ayon sa Department of Foreign Affairs inimbitahan ni Thailand Foreign Minister His Excellency Maris Sangiampongsa, si Manalo bilang bahagi ng milestone anniversary ng diplomatic relations ng Pilipinas sa Thailand.
Sa nasabing pag bisita ni Manalo ay inaasahang magkakaroo ang dalawang opisyal ng bilateral meeting at co-chair ng Ministerial Meeting para sa 6th Philippines-Thailand Joint Commission on Bilateral Cooperation.
Ang naturang pagpupulang ay sinimulan pa noong March 24, 1992 kung saan ang naturang bilateral mechanism ay naglalayon na pangasiwaan ang cooperation at consultation sa pagitan ng pilipinas at Thailand sa malawak na isyu ng mga bilateral at regional concern.
Ngayong taon, ayon sa DFA, ay ginugunita ang 75th anniversary ng pagkakabuo ng diplomatic relations ng dalawang bansa at may temang, “Moving Forward to A New Era of Closer Friendship and Common Prosperity”. | ulat ni Lorenz Tanjoco