Inihanda na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang tulong pinansyal para sa mga biktima ni Bagyong Kristine sa Bicol Region.
Ayon kay DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar, ang kaloob na cash assistance ay mula sa Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) ng departmento.
Bawat pamilya na nawalan ng bahay ay pagkakalooban ng P30,000 at P10,000 para naman sa may partially damaged houses.
Sa ngayon, nakikipagtulungan na sa LGUs ang regional offices ng DHSUD partikular sa Bicol Region upang mapabilis ang proseso ng mga kwalipikadong pamilya para sa IDSAP.
Sabi pa ni Acuzar, bukod sa P15 milyon na inilaan para sa Region 5 partikular sa Camarines Sur at Albay, pinoproseso na rin ng DHSUD ang tulong sa iba pang apektadong lugar. | ulat ni Rey Ferrer