Binuksan ngayong araw ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang “housing fair” kasabay ng pagdiriwang ng National Shelter Month 2024.
Tema ng selebrasyon ang “Matibay na Tahanan, Matatag na Komunidad para sa Bagong Pilipinas.”
Ang housing fair ay bukas sa publiko mula ngayong araw, Oktubre 7 hanggang 11.
Inaalok dito ang serbisyo mula sa key shelter agencies ng DHSUD tulad ng Social Housing Finance Corporation, National Home Mortgage Finance Corporation, National Housing Authority, Human Settlements Adjudication Commission at PAG-IBIG Fund.
Ilang private companies rin ang nagpakita ng kanilang proyekto sa housing fair.
Sa kanyang mensahe, binigyang diin ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar ang kahalagahan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa lahat ng stakeholder.
Ito ay upang matiyak ang pagtutulungan ng publiko at pribadong sektor para higit pang isulong ang sigla sa industriya ng pabahay at real estate. | ulat ni Rey Ferrer