Sinusuportahan ni Bicol Saro Party-list Rep. Brian Yamsuan ang itinutulak na digitalisasyon ng mga lokal na pamahalaan ng bagong talagang DILG Sec. Jonvic Remulla.
Ayon kay Yamsuan, akma ito sa kaniyang adbokasiya na gamitin ang makabagong teknolohiya para mapabilis ang pagbibigay-serbisyo direkta sa taumbayan.
Hindi lang kasi aniya nito mapuputol ang red tape sa pamamahagi ng tulong at serbisyo ngunit matitiyak na matatanggap talaga ito ng mga benepisyaryo.
“I fully support and laud Secretary Remulla’s plan to digitalize the operations of LGUs, which is in sync with our ongoing efforts to find ways of speeding up the delivery of assistance to the government’s intended beneficiaries and providing it directly to them,” ani Yamsuan na dati nang nagsilbi bilang DILG assistant secretary.
Aniya, matagal na niyang itinutulak ang digitalisasyon at paggamit ng mga modernong kagamitan hindi lamang para sa mga LGU, kundi maging sa Philippine National Police (PNP).
Giit niya na sa halip na pangambahan ang teknolohiya, dapat na umisip at magpatupad ng mga paraan kung paano magagamit ito para mapabuti ang kapakanan ng mga Pilipino.
“Technology, complemented by modern equipment such as body-worn cameras for the PNP and science-driven investigative tools and processes, would help curb crime, boost public trust and confidence in our law enforcers, and build peaceful communities,” sabi pa ng mambabatas.
Kumpiyansa rin ang party-list solon na makatutulong ito para masawata ang korapsyon at ma-streamline ang operasyon ng mga LGU na makakaakit naman ng mas marami pang mamumuhunan. | ulat ni Kathleen Forbes