Magtutulungan ang Department of Social Welfare and Development Field Office -CALABARZON at Northern Mindanao para sa pagpapalakas ng Information and Communications Technology ng ahensya.
Sa ilalim ng kasunduan, ang DSWD-CALABARZON ay gagamit ng advance ICT tools and systems na binuo ng DSWD-Northern Mindanao.
Ang ICT tools and systems na ito ay nagkaroon na ng positibong resulta sa frontline service delivery at support functions.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni DSWD Asst. Secretary Julius Gorospe, ang partnership na ito ay naglalayong patatagin at palakasin ang integrated systems sa mga field offices ng bawat rehiyon.
Ang pagbabahagi umano ng internal resources ay naglalayong mapaigting ang digital system ng ahensya upang mas maayos na mapagsilbihan pa ang mga pangangailangan ng mga benepisyaryo.
Ayon naman kay DSWD-Northern Mindanao Regional Director Ramel Jamen, ang pagtutulungang ito ay makakapagpalakas at magpapaganda ng technological solutions sa CALABARZON, partikular na ang pag-streamline ng digital processes nito upang matiyak ang data accuracy.| ulat ni Rey Ferrer