Nais ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Regional Director Police Major General Sidney Hernia na isulong ang digitalization sa police operation sa buong National Capital Region (NCR).
Sa kanyang naging talumpati sa induction of officers ng NCRPO Press Club, isa sa kanyang magiging programa bilang bagong upong RD ng NCR ang pagdi-digitalized ng transaction at operation procedures sa NCRPO upang mas mapabilis ang aksyon ng nito sa pagsugpo at pagtugis sa krimen.
Dagdag pa ni Hernia na on-going na ang komprehnsibong pagsasanay sa mga pulis.
Samantala, nakatakda naman ilunsad ang naturang programa upang mas maipakita ang kahandaan ng NCRPO police sa anumang uri at hamon ng kriminalidad sa kalakhang Maynila.| ulat ni AJ Ignacio