Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) na walang sasantuhin na mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) o mga lokal na opisyal na sangkot sa kaso ng extra judicial killings at paglaganap ng illegal na droga sa bansa.
Sa unang pulong balitaan ni DILG Secretary Jonvic Remulla, sinabi nito na kailangang hintayin ang ahensya ang magiging resulta ng imbestigasyon ng Quad Committee ng Kongreso, matapos madawit ang mga pangalan ng ilang opisyal ng PNP sa mga nagdaang panahon.
Ayon kay Remulla, hindi pa rin maituturing na guilty ang mga ito dahil sa mga alegasyon ibinabato laban sa kanila.
Kaugnay nito ay sinabi ni PNP Chief PGen Rommel Francisco Marbil na bumuo na ng komite upang magsagawa ng kaukukang pagsisiyasat. Nakipag-ugnayan na rin ang PNP sa mga dating PNP chief upang magbigay ng kanilang tugon kaugnay sa mga tinatalakay sa pagdinig sa Kongreso.| ulat ni Diane Lear