Sinisiguro ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na nakahanda na ang lahat ng Local Government Units (LGU) at Civil Defense Units sa banta ng bagyong Kristine.
Aniya, kahit saang bahagi ng rehiyon dumaan ang bagyo, lahat ng LGU ay nakaalerto at nakahanda na.
Kahapon, inatasan ni Remulla ang LGUs na i-convene ang kani- kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) para magsagawa ng pre-disaster risk assessments.
Pati na ang pag-activate sa Barangay DRRMCS para sa early warning measures at pagbabantay sa mga lugar at iba pa.
Samantala, nilinaw din ni Remulla ang nauna niyang anunsyo ng supensyon ng klase ay mungkahi lang sa LGUs.
Aniya, walang kapangyarihan ang DILG na magsuspinde ng mga klase kundi magrekomenda lamang.| ulat ni Rey Ferrer