Disaster Relief at Humanitarian efforts, paiigtingin ng Philippine Air Force sa mga lugar na apektado ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sumentro ang operasyon ng Philippine Air Force (PAF) sa Southern Luzon ang Disaster Relief at Humanitarian efforts nito buhat sa Bicol Region matapos salantain ng bagyong Kristine.

Pinangunahan ng Tactical Operations Group 4 at 5 sa ilalim ng Tactical Operations Wing Southern Luzon gayundin ng 505th Search and Rescue Group ang kanilang pinaigting na pagtugon sa mga apektado ng kalamidad.

Batay sa ulat ng Air Force, nakapagpalikas sila ng mga stranded na indibiduwal ang kanilang mga unit sa Barangay Tan-ag Ilaya, bayan ng Lopez, lalawigan ng Quezon gayundin sa Brgy. Maliig, sa bayan ng Lubang sa Occidental Mindoro.

Samantala, maliban naman sa rescue operations, tumutulong din ang Air Force sa pamamahagi ng relief items sa mga sinalanta ng bagyo. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us