Distribusyon ng cash aid sa mga apektado ng bagyong Julian, nagpapatuloy — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Julian sa Batanes.

Sa pinakahuling update ng DSWD Field Office sa Cagayan Valley, karagdagang 1,000 benepisyaryo mula sa munisipalidad ng Itbayat ang nakatanggap ng tig-₱10,000 cash aid sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD.

Nagsagawa rin ng payout sa munisipalidad ng Basco kung saan mahigit sa 4,000 benepsiyaryo ang nakinabang.

Ayon kay FO-2 Director Suyu-Alan, malaki ang naitutulong ng ayuda para sa muling pagpapanumbalik sa normal na pamumuhay ng mga naapektuhan ng kalamidad.

Samantala, tiniyak naman ni Director Suyu-Alan ang mga residente na tuloy-tuloy ang gagawing pagbibigay ng tulong ng Field Office sa anim na munisipalidad ng Batanes.

“Patuloy na binabantayan ng ahensya ang kalagayan ng mga residente sa Batanes upang masigurong maipapamahagi ang lahat ng kinakailangang tulong para sa kanilang tuluyang pagbangon mula sa epekto ng bagyo,” paliwanag pa ng DSWD regional director. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸 DSWD

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us