DMW, nagpaabot ng pakikiramay at tulong sa pamilya ng OFW na binitay sa Saudi Arabia

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pakikiramay ang Department of Migrant Workers (DMW) sa pamilya ng overseas Filipino worker (OFW) na binawian ng buhay sa Saudi Arabia matapos mahatulan ng kamatayan.

Sa isang pahayag, sinabi ng DMW na nakipag-ugnayan na sila at ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pamilya ng hindi pinangalanang OFW upang makiramay at magbigay ng kinakailangang tulong sa oras ng pagdadalamhati.

Ayon sa DMW, humiling din ang pamilya ng OFW na bigyan sila ng pagkakataon na tahimik na makapagluksa dahil sa pangyayari.

Nauna rito ay kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isang OFW sa Saudi Arabia ang binitay noong October 5, nang hindi man lang naipapaalam sa Philippine Embassy sa Riyadh at kaniyang pamilya.

Nag-ugat ang kaso ng OFW matapos mapatay ang isang local dahil umano sa away sa pera.

Iginiit naman ng DFA na ginawa ng pamahalaan ang lahat para maisalba ang buhay ng ating kababayan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us