Tiniyak ng Department of Migrant Workers (DMW) na mabibigyan ng agarang pinansiyal na tulong ang nga Overseas Filipino Workers (OFWs) na uuwi ng bansa mula sa Lebanon.
Dumating kahapon ang siyam na OFW na boluntaryong nag-avail sa repatriation program ng pamahalaan.
Bawat isa sa kanila ay nakatanggap ng tulong pinasiyal na Php 75,000 mula sa DMW AKSYON Fund, at karagdagan pang Php 75,000 mula sa OWWA bukod pa sa 20,000 livelihood assistance mula sa DSWD at skills training vouchers mula sa TESDA.
Sinabi ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na lahat ng kinakailangang suporta ng repatriates ay kanilang ipagkakaloob para sa kanilang produktibong reintegration.
Mula Oktubre 2023, umabot na sa 442 OFWs kasama ang 28 dependents ang nakauwi na sa bansa mula sa Lebanon dahil sa lumalalang kaguluhan doon.| ulat ni Rey Ferrer