DND, duda sa intensyon ng China hinggil sa pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Duda si Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa naging pahayag ng China na bukas ito para sa negosasyon hinggil sa pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea (WPS).

Ito’y sa kabila na rin ng lumalalang tensyon sa naturang karagatan kung saan, pinakabagong insidente rito ang ginawang pagbomba ng water cannon ng China Coast Guard sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Bajo de Masinloc.

Sa ambush interview kay Teodoro sa sidelines ng Asia-Pacific Ministerial Conference for Disaster Risk Reduction, sinabi nito na taliwas ang sinasabi ng China sa ginagawa nito.

Ang problema ani Teodoro, sinasabi ng China na committed sila sa pakikipag-usap subalit sila lamang ang naniniwala rito.

Una nang hinimok ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kasapi ng ASEAN sa Vientiane Laos noong isang linggo na huwag magpabulag sa mga nangyayari sa West Philippine Sea. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us