Nakatakdang magsumite ang Department of National Defense (DND) ng kanilang mungkahing amyenda sa Espionage Law.
Ito ang ibinahagi ni Senate President Chiz Escudero matapos ang kanilang pagpupulong kasama sina Defense Secretary Gibo Teodoro at mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay Escudero, kabilang sa mga dapat linawin sa kasalukuyang Espionage Law kung anong mga probisyon nito ang dapat i-apply sa panahon na walang giyera.
Gayundin ang pagka-classify ng mga dokumento at mga impormasyon ng gobyerno, partikular kung ano ang maikokonsiderang top secret.
Ipinunto ng Senate leader na kailangang maging malinaw kung anong mga impormasyon ang hindi dapat ilabas na impormasyon at kung anong parusa ang katumbas ng paglalabas ng mga ganitong impormasyon ng gobyerno.
Sa ngayon ay may inihain nang panukalang amyenda sa Espionage Law si Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada.
Ibinahagi ni Escudero na nakita na ito ng DND ay handa silang gawing basehan ng amyenda sa batas ang panukala ni Estrada. | ulat ni Nimfa Asuncion