Nakatakdang ipatupad ng Department of Finance (DOF) ang Local Government Reform Project (LGRP) upang palakasin ang local fiscal management, partikular ang valuation at appraisal ng real properties sa pamamagitan ng digitalization.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, kabilang ito sa mga inisyatiba upang suportahan ang mga Local Government Units (LGUs).
Kasabay ng pagdiriwang ng ika-37th anniversary ng Bureau of Local Government Finance (BLGF), lumagda ng kasunduan ang DOF at LGUs, at ang Data Sharing Agreement para i-develop ang Real Property Information System at iba pang digitalization system sa ilalim ng LGRP.
Inilunsad din ng ahensya ang ilan pang mga proyekto, gaya ng LGRP manuals, Electronic Official Receipt, e-ledger na kapwa gagamitin ng BLGF, at mga LGU Treasury para sa assessment operations at ang Enhanced Academic Curriculum sa real estate management.
Itinurn over din ng BLGF ang mga IT equipment para sa appraisal at assessment operations ng mga pilot LGUs.
Ayon kay Recto, dahil sa mga inisyatiba ng BLGF, marami sa mga LGUs sa labas ng Metro Manila ang maunlad na at kasama sa billionaire’s roll. | ulat ni Melany Valdoz Reyes