Pinangunahan ng Department of Finance (DOF) ang project implementation-capacity building workshop na naglalayong i-streamline ang People’s Survival Fund (PSF) process para sa local government unit (LGU) beneficiaries.
Target din nitong ifast-track ang aksyon ng bansa tungo sa climate and disaster risk resilience.
Tinalakay sa naturang workshop ang pagtugon sa mga hamon na kinahaharap ng mga local government sa pasunod sa mga technical and financial document upang maging matagumpay na project implementation.
Kabilang sa mga participants ang mga local chief executives at mga development partners gaya ng United Nations Development Programme (UNDP), Asian Development Bank (ADB), at German Agency for International Cooperation upang sukatin ang kasalukuyang potential areas of collaboration.
Present din sa talakayan ang PSF Board mula sa Climate Change Commissio, Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG), Philippine Commission on Women (PCW), at Institute for Climate and Sustainable Cities (ICSC) were present at the workshop.
Simula nang maitatag ang Peoples Survival Fund, nai-commit na ang P1 billion para sa 19 na lokal na pamahalaan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes