Tiniyak ng Department of Finance (DOF) sa International Monetary Fund (IMF) Mission Team na naka-focus ang gobyerno upang makamit ang medium term fiscal program.
Nasa Pilipinas ang mission team para sa IMF Philippines 2024 Article IV Consultation Mission Concluding Principals’ Meeting upang talakayin ang outlook for GDP growth, inflation, and fiscal indicators— mga paraan para paghusayin ang tax administration at episyenteng paggastos.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang pagsasabatas ng bagong batas na Value-Added Tax on Digital Services Law ay magdadala ng dagdag na kita sa gobyerno.
Ibinahagi din nito sa multilateral organization na maraming hakbang at fiscal reforms ang isinasagawa upang tumaas ang kita at hinihintay na lamang ang pagiging ganap na batas ng mga ito.
Bagaman tinapyasan ng bahagya ng IMF ang growth outlook for 2024 at 2025, mananatili pa rin aniya na fastest growing economy ang Pilipinas sa rehiyon.
Umaasa ang IMF para sa fiscal consolidation to progress upang makamit ang hangad na paglago ng Pilipinas. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes