Pinalakas ng Department of Health (DOH), sa pangunguna ni Secretary Teodoro Herbosa, ang pakikipagtulungan nito sa provincial health officers at mahalagang papel nito sa pagpapabuti ng access sa healthcare sa naganap na taunang convention ng Provincial Health Officers Association of the Philippines nitong nagdaang linggo.
Binigyang-diin ni Secretary Herbosa ang mahalagang papel ng mga PHO sa pagresolba sa mga gap sa healthcare, partikular sa pagkakaroon ng sapat na ratio ng hospital beds, nurses, at midwives sa mga pasyente sa mga lalawigan.
Kinilala rin ng health chief ang mga Provincial Health Officers bilang mahalagang katuwang sa paghahatid ng mga serbisyong pangkalusugan gaya ng pagbabakuna, kalusugan ng mga ina, at pagpigil sa mga sakit.
Ipinahayag din ni Herbosa ang mga pangunahing layunin ng DOH’s 8-Point Action Agenda, na naglalayong mailagay ang Pilipinas sa hanay ng pinakamalulusog na bansa sa Asya pagsapit ng 2040 sang-ayon sa mga layunin din ng Universal Healthcare Act. | ulat ni EJ Lazaro