DOJ, hinimok na aralin ang mga testimonya sa Quad Comm para makapagsampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng pagpatay kay dating PCSO board secretary Wesley Barayuga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinikayat ng Quad Committee ang mga otoridad, partikular ang Department of Justice (DOJ) na maghain na ng kaso laban sa mga sinasabing nasa likod ng pagpapapatay kay dating PCSO board secretary at retired Gen. Wesley Barayuga.

Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, over all chair ng komite, mayroon nang magagamit na testimonial evidence ang mga otoridad na maaaring basehan sa pagsasampa ng murder case.

Matatandaan na humarap ang isang aktibong pulis na bahagi ng PNP Drug Enforcement Group na si Col. Santie Mendoza at ‘asset’ nito na si Nelson Mariano, at inilahad kung paano pinlano nina dating PCSO General Manager Royina Garma at kasalukuyang NAPOLCOM Commissioner Edilberto Leonardo ang pagpapatumba kay Barayuga.

Gayunman, ipapaubaya na nila sa DOJ at kaukulang ahensya ang mas malalim pang imbestigayon sa insidente at nakahanda naman aniya silang makipagtulungan.

Nangako rin ito na oras na matapos ang pagsisiyasat ng Quad Comm sa lahat ng isyu ay kasama sa magiging rekomendasyon ang pagsasampa ng kaso laban sa mga may sala.

“Well, the Quad has testimonial evidences and the affidavits signed by the two witnesses. If that is already enough to file charges, then we would really recommend.” sabi pa ni Barbers

“They do not have to wait for the report of the joint committee, which will include a recommendation to file such charges. The panel will take time to write the report since the inquiry is still ongoing,” saad pa niya sa hiwalay na pahayag.

Kasabay nito nagpasalamat si Barbers sa pamilya Barayuga at maging sa Matikas Class of 1983 kung saan kabilang si Barayuga–sa kanilang pagtitiwala sa Komite.

Aniya, masaya sila na makatulong sa imbestigasyon ng pagpaslang kay Barayuga.

“Nagpapaslamat di nkami for noticing and recognizing the efforts made by the Quad Comm in this investigation that we had with respect to the death of General Barayuga.” ani Barbers. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us