Magkatuwang na tinulungang i-rescue ng mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), at ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) ang isang babaeng Fraser’s dolphin na napadpad sa baybayin ng Barangay Punta, Aparri, Cagayan.
Sa isinagawang pag-rescue, masusing sinuri ang nasabing buhay-ilang upang matiyak na wala itong sugat o kung ito ay stress.
Matapos nito ay dinala ang dolphin sa rescue facility ng BFAR para sa rehabilitasyon.
Agad din namang naibalik sa karagatan ang nasabing dolphin kung saan malaya muli itong nakalangoy sa baybayin ng hilaga-silangan ng Luzon.| ulat ni EJ Lazaro