Kampante si DOTR Secretary Jaime Bautista na masisimulan na ang partial operation ng Manila Subway mula sa Valenzuela City hanggang sa North Avenue sa Quezon City sa 2028.
Ayon kay Bautista, magtuloy-tuloy na ang partial operation sa Ortigas sa Pasig City pagsapit ng taong 2029.
Sa ngayon aniya, nasa 15. 57% na ang progreso ng konstruksyon ng kauna-unahang subway sa bansa.
Ang Metro Manila Subway ay tatawid sa walong lungsod mula sa Valenzuela City hanggang FTU-Bicutan sa Paranaque City na may spur line papuntang NAIA Terminal 3 sa Pasay City.
May 33 kilometro at 17 station ang rail line at mapapabilis ang travel time nito sa pagitan ng Quezon City hanggang Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Mula sa kasalukuyang isang oras at 10 minuto magiging 35 minuto na lamang ang itatagal ng biyahe.
Kapag ganap nang operational ang underground transport system, kaya nitong maserbisyuhan ang 370,000 pasahero kada araw.| ulat ni Rey Ferrer