Inilatag na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga kondisyon para sa implementasyon ng First 1,000 Days (F1KD) sa 4Ps beneficiaries.
Ayon kay DSWD Pantawid Pamilyang Pilipino Program ( 4Ps) Undersecretary Vilma Cabrera, sisimulang ipatupad ang F1KD cash grant sa 2025 na ilalaan sa mga benepisyaryong buntis at lactating mothers na may 0 to 2 years old na anak na mabigyan ng tamang nutrisyon.
Sa ilalim nito, kailangan na magparehistro at i-update ng household beneficiary ang kanilang profile sa kanilang City/ Municipal Link.
Kasama naman sa mga kondisyon na binalangkas ay ang pagpapanatili ng maternal health ng isang ina habang ipinagbubuntis nito ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Kailangang makumpleto din ng buntis na ina ang walong pre-natal consultations o ang buong duration ng kanyang pagbubuntis.
“These visits will allow the pregnant woman to access needed health interventions. As standard, the beneficiary should also be inoculated with maternal immunization, and must record a regular intake of micronutrient supplements. Their weight and blood pressure also require close monitoring of local health centers,” sabi pa ni Usec. Cabrera.
Upang matiyak naman na ligtas ang panganganak ng ina ng sanggol iminumungkahi din sa mga target clients na gamitin ang delivery services mula sa skilled health professionals para sa level of Basic/Comprehensive Emergency Obstetric Care (BEmOC) (CEmOC) services.
Sa panahon naman ng post-natal stage o pagkapanganak, kailangan din na ang nanay ay magkaroon ng apat na follow-up visits sa isang health facility kung saan sila nanganak o batay sa utos DOH protocol.
“Full compliance to needed maternal health and nutrition intervention is of prime concern. We cannot compromise this as the health of the mother is interconnected with the child’s health as well. If the mother is famished and not properly nourished, then it is likely that the baby will not receive ample nutrition for growth and development,” dagdag pa ni Usec. Cabrera.
Nakapaloob din sa mga kondisyon ng 4Ps na kailangan sa loob ng anim na buwan o ang unang 180 days ng sanggol ang ina o magulang ng bata ay nararapat lang na naka-monitor sa monthly growth and development ng bata. Kasama na dito ang regular na pagbisita sa healthcare centers upang mapanatili ang maayos na paglaki ng sanggol. | ulat ni Merry Ann Bastasa
📸 DSWD