Nilinaw ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na galing sa approved budget ng DSWD ang pondong ginagamit para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICs).
Ang paglilinaw ay bilang tugon sa hinaing ni Zamboanga City 1st District Representative Khymer Adan Olaso, na nagpahayag ng pagkadismaya matapos na hindi matuloy ang scheduled payout sa nasabing lalawigan.
Binanggit din ng Kongresista na ang ‘budget’ para sa mga protective services programs ng kanyang Distrito ay napupulitika kasama na rito ang mga listahan ng beneficiaries na inire-refer sa DSWD para sa financial assistance.
Agad namang itinanggi ni Secretary Gatchalian ang pahayag ng Kongresista at sinabi nitong ang DSWD ay nagbibigay tulong at serbisyo sa lahat ng mga taong nangangailangan.
Maging ang mga ito ay walk-in clients o ni-refer ng local government unit (LGU) officials.| ulat ni Rey Ferrer