Hinimok ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga household beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magparehisto ng kanilang demographic at biometric information sa Philippine Identification System (PhilSys).
Ayon kay 4Ps National Program Manager and Director Gemma Gabuya, ang pagpaparehisto sa PhilSys ay batay sa direktiba ni DSWD Secretary Rex Gatchalian upang madagdagan ang mga 4Ps household beneficiaries na nakarehistro na sa National ID.
Dagdag pa nito, ang Philsys registration at authentication ay magbibigay daan sa mga benepisyaryo na makuha ang kanilang conditional cash transfers, base na rin sa na-accomplish na program requirements ng benepisyaryo.
“The PhilSys registration and authentication will serve as an equivalent to compliance of 4Ps households with the monthly Family Development Session (FDS) condition for the October to November 2024 period,”ayon kay 4Ps National Program Manager and Director Gemma Gabuya.
Una nang nakipagpartner ang DSWD sa PSA para sa pagrollout ng Philsys registration sa mga benepisyaryo sa ibat ibang panig ng bansa.
“It will be rolled out nationwide in partnership with the Philippine Statistics Authority (PSA), with focus on areas in Regions 3 (Central Luzon) and CALABARZON where the logistical support of PSA allows for the saturation of all household members,” ayon pa kay Director Gabuya.
Maaari namang makapagparehistro ang mga benepisyaryo sa mga nakatalagang registration centers, kabilang na rito ang barangay halls, shopping malls, FDS co-location venues, at sa mga lugar na inorganisa ng PSA. | ulat ni Merry Ann Bastasa