Aabot sa higit 2-M kahon ng family food packs (FFPs) ang handang i-deploy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sakaling kailanganin ng mga local governments units (LGUs) para sa disaster and response operations.
Ayon kay Disaster Response Management Group (DRMG) at Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, ang dalawang milyong kahon ng FFPs ay naka-preposisyon sa iba’t-ibang DSWD warehouses sa bansa.
200,000 na kahon ng FFPs ang nakalagak sa DSWD National Resource Operations Center (NROC) sa Pasay City habang nasa 247,765 FFPs naman ang nakaimbao sa Visayas Disaster Resource Center (VDRC) sa Mandaue City, Cebu.
Bukod naman sa NROC at VDRC, mayroon ding iba pang storage facilities ang DSWD sa iba’t-ibang rehiyon na naglalaman din ng mga naka-preposition na FFPs at handang tumugon sa pangangailangan ng LGUs sa panahon ng kalamidad.
“We reiterate that disaster preparation in the DSWD is year-round. The replenishment of FFPs is part of the proactive measure being taken by the DSWD. We always ensure that there are enough FFPs especially that our disaster response for Super Typhoon Julian, Mt. Kanlaon eruption, and other recent calamities is still ongoing,”paliwanag pa ng DSWD spokesperson. | ulat ni Merry Ann Bastasa