Aabot na sa 981 ang kabuuang bilang ng storage facilities ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa buong bansa na nakahandang tumugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Co-Spokesperson Juan Carlo Marquez, ang expanded warehousing capacity ng ahensya ay nagresulta sa mas mabilis na pagresponde ng mga social worker sa panahon ng kalamidad bukod pa sa agaran ding nakakapag-preposition ng food packs.
Ang mga warehouses ay kinabibilangan ng hubs, spokes at last-mile facilities.
Sa kasalukuyan ang ahensya ay mayroong 12 hubs na nagsisilbi bilang central storage facilities kabilang ang tatlong National Resource Operations Centers (NROC) sa Pasay City, Valenzuela City, at Paranaque City; Visayas Disaster Resource Centers (VDRC) sa Mandaue City, Cebu.
At may isa pang warehouse ang kasalukuyang itinatayo sa Butuan City sa Caraga Region na siya namang magsisilbi para sa buong Mindanao.
Bukod naman sa mga hubs, mayroon ding 75 spokes facilities ang DSWD, at 894 last mile warehouses nationwide na matatagpuan sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA). | ulat ni Merry Ann Bastasa