DSWD, muling hinikayat ang publiko na ipagbigay alam ang mga bata, at indibidwal na nasa lansangan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy ang panawagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na makipag-ugnayan sa ahensya kung may nakitang bata o indibidwal na namamalagi sa lansangan.

Ginawa ng DSWD ang panawagan kasunod ng inaasahang pagdami na naman ng IPs na magtutungong Metro Manila para mamalimos kasabay ng holiday season.

Ayon kay DSWD Spokesperson Assistant Secretary Irene Dumlao, hindi tumitigil ang programag Oplan Pag-abot para i-rescue at bigyan ng mga tulong ang individuals at families in street situation.

Kamakailan lang, ilang katutubong Bajau ang naabot ng programa sa Quezon City at Parañaque City na dinala sa Pag-abot Processing Center upang i-assess ang tulong na naaayon sa kanila.

Kabilang sa tulong na ipinapaabot ng DSWD ang Balik Probinsya at Assistance to Individuals in Crisis Situation.

Punto ni Asec. Dumlao, layon ng programa na mailayo sa kapahamakan ang mga benepisyaryo.

Maaari namang tumawag sa hotline 𝟴-𝟵𝟯𝟭-𝟵𝟭𝟰𝟭 o magpadala ng mensage sa official Facebook at X Pages ng DSWD Pag-abot kung may mamataan mang mga bata at indibidwal sa lansangan.

Kaugnay nito, muli ring umapela ang DSWD na huwag magbigay ng limos sa mga nasa kalsada dahil labag ito sa batas alinsunod sa Presidential Decree (PD) No. 1563 o ang Anti-Mendicancy Law. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us