Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development ang tuloy tuloy na tulong nito sa mga apektado ng Bagyong Kristine kabilang na ang mga may kaanak na nasawi bunsod ng kalamidad.
Ayon kay DSWD Undersecretary Monina Josefina Romualdez, nakahanda silang tulungan ang mga kaanak ng halos mahigit sa isang daang katao na naitalang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Kristine.
Ito ay sa pamamagitan ng cash aid sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na nakabatay sa assessment ng mga social worker.
Sabi pa ni Undersecretary Romualdez maaaring gamitin ng mga benepisyaryo ang DSWD issued Guarantee Letters (GLs) sa mga funeral parlors at memorial service providers na may umiiral na Memorandum of Agreement (MOA) sa ahensya.
Batay naman sa pinakahuling tala ng DSWD, aabot na sa higit P635-M ang halaga ng relief resources na naipaabot ng DSWD sa mga lalawigang apektado ng kalamidad.
Nakatutok na rin ang DSWD sa lagay ng mga inilikas sa Batanes dahil sa Super Typhoon Leon. | ulat ni Merry Ann Bastasa