Walang patid pa rin sa paghahatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga apektadong pamilya buhat ng pananalasa ng Bagyong Kristine.
Batay sa ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of Oct. 25 ay umakyat na sa higit P111-M ang halaga ng relief assistance na naipamahagi sa mga apektadong residente.
Kabilang rito ang nasa 150,000 family food packs at nasa higit 3,000 non food items.
Ngayong araw, nagtungo na rin sa Bicol si DSWD Sec. Rex Gatchalian para personal na pangunahan ang relief assistance sa rehiyon.
Sa kasalukuyan, aabot pa sa higit 75,000 pamilya ang nananatili sa mga evacuation center dahil sa epekto ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa