DSWD, nakapagpaabot na ng higit ₱55-M tulong sa mga apektado ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot na sa ₱55-M ang halaga ng humanitarian assistance na naihatid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang nakararanas ng epekto ng bagyong Kristine.

Ayon sa DSWD, karamihan ng tulong na ipinaaabot sa ngayon ng ahensya ay family food packs.

Inilalaan naman ito sa mga rehiyong labis na tinamaan kabilang ang Cagayan Valley, MIMAROPA, Bicol Region, at 13 pang rehiyon.

As of October 24, umakyat pa sa higit 488,776 pamilya o higit 2.1 milyong indibidwal ang naitalang naapektuhan ng kalamidad.

Nasa 48,000 namang pamilya ang nananatili pa sa evacuation centers.

Sa ngayon, puspusan pa rin ang ginagawang repacking ng DSWD para ma-replenish ang food packs sa iba’t ibang lalawigan na kasalukuyang binabayo ng bagyong Kristine. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us