DSWD, nanawagan na ng volunteers para sa repacking ng food packs na ihahatid sa mga apektado ng bagyong Kristine
Humiling na ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa karagdagang volunteers sa ongoing na repacking ng family food packs na ihahatid sa mga biktima ng hagupit ng bagyong Kristine.
Sa inilabas na abiso ng DSWD, partikular na nananawagan ito ng volunteers sa kanilang
repacking center sa DSWD-National Resource Operations Center, na matatagpuan sa Chapel Road, Brgy. 195, Pasay City.
Para sa mga interesadong indibidwal na nais maglaan ng kanilang oras, kinakailangan lamang na magrehistro sa https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSesVMBIVQR6BPMNec_OtyVkTxOJWK3M33uRlxoVbUX24mcszQ/viewform
Kung grupo naman, kailangang makipag-ugnayan kina Shara Lee at Kevin Sanchez sa numerong 09954005548 o 09260612646.
Pinapayuhan din ang mga magvo-volunteer na magsuot ng komportableng damit, sapatos, at sariling water bottle.
Una nang iniulat ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na aabot sa higit dalawang milyong food packs ang hawak ng ahensya at nakaposiyon na sa iba’t ibang lalawigan.
Walang tigil na rin ang mabilis na pamamahagi ng family food packs (FFPs) sa mga pamilyang lubos na naapektuhan ng kalamidad.
At kasalukuyang nasa replenishment stage ang mga DSWD warehouse upang matiyak na agad maipadadala ang kinakailangang FFPs sa mga Field Offices sakaling magkulang ang kanilang supply. | ulat ni Merry Ann Bastasa