DSWD, tiniyak ang tuloy-tuloy na tulong sa mga residente na apektado ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa nitong tugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng bagyong Kristine.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, magpapatuloy ang paghahatid ng tulong sa mga apektadong lugar.

Aniya, handa ang DSWD na maghatid ng family food packs (FFPs) sa mga local government unit para ipamahagi sa mga residente.

Tuluy-tuloy din aniya ang pamamahagi ng tulong dahil ito ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na walang magugutom sa gitna ng kalamidad.

Sinabi pa ni Gatchalian, na nasa 100,000 kahon ng family food packs ang ipinadala sa Bicol Region ngayong araw, bukod pa sa naipamahagi nang 120,000 FFPs sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Siniguro rin ng kalihim, na ang DSWD ay may sapat na pondo para magmobilisa ng tulong pinansyal sa mga susunod na araw. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us