Inanyayahan ng Deparment of Trade and Industry ang mga micro, small and medium enterprise na sinalanta ng mga kalamidad na makipag-ugnayan sa kanilang ahensya para magkaroon ng pagkakataon na makapanghiram ng pera na maaring gamitin sa kanilang negosyo.
Ayon sa anunsyo ng DTI sa kanilang social media page, kwalipikadong mag apply sa nasabing loan program ang mga negosyanteng nasiraan ng tindahan o ng mga paninda o yung mga nawalan ng puhunan.
Paliwanag ng DTI, ilan sa mga katangian ng naturang pautang program ay:
- Ang kakayahang maka utang ng hanggang PhP 300.0 thousand;
- Walang interest para sa unang taon.
- 1% interest naman kada buwan para sa ikalawa at ikatlong taon ng paghuhulog.
- Ito ay maaring mabayaran buwan buwan sa loob ng tatlong taon kabilang na ang optional na pag avail ng tatlong buwang grace period.
Para naman sa mga requirements ay maaring bisitahin ang facebook page ng DTI para sa listahan at link kung saan maaring mag sumite ng aplikasyon para sa naturang loan. | ulat ni Lorenz Tanjoco