Economic progress at free market economy, isusulong ng isang party-list na nag-file ng kandidatura ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Isinusulong ng Ilocano Defenders Party-list ang economic progress at free market economy, ayon kay Engr. Morgan Say, ang first nominee ng grupo.

Isa itong Ilocano Defenders Party-list sa mga nag-file ng kandidatura para sa pagka-party-list ngayong araw sa Manila Hotel Tent City, bilang paghahanda para sa Halalan 2025.

Ayon kay Say, kanilang layuning repasuhin ang mga polisiya at batas na nagpapahirap sa ekonomiya ng bansa upang maisulong ang mas malayang pamilihan at matulungan ang mga Pilipino.

Nilinaw din nito na ang kanilang party-list ay hindi representante ng isang marginalized group o sector bagkus sila umano ay isang advocacy group. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us