Maganda at patuloy na gumaganda ang estado ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maging sustainable manufacturing hub ang bansa.
Ito ang sinabi ni Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso Panga na kung standing ng Gross Domestic Product (GDP) ang pag-uusapan, ay hindi patatalo ang status ng bansa.
Pumapangalawa aniya ang GDP growth rate ng Pilipinas sabi ni Panga, habang una na ding nagpahayag ang Finance Department na umangat ng 6% sa third quarter ang lagay nito gayung patuloy ang pagbagal ng inflation.
Bukod dito dagdag ng PEZA official na pumapang-apat ang standing ng Pilipinas kung pag- uusapan naman ay Foreign Direct Investment (FDI).
Sa ngayon, ayon kay Panga, ay tuloy-tuloy na tumatanggap ang bansa ng mga mamumuhunan na tiyak aniyang lilikha ng mas maraming trabaho at economic opportunities hanggang sa mga LGU. | ulat ni Alvin Baltazar